Nation

MGA MAG-AARAL SA MAKATI MAY LIBRENG PAGKAIN MULA SA LGU

/ 11 July 2021

UPANG ibsan ang hirap na dinaranas sa gitna ng Covid19 pandemic, inaayudahan ng lokal na pamahalaan ng Makati ang mga mag-aaral nito.

Bukod sa pagkakaloob ng libreng edukasyon, binabalikat na rin ng lokal na pamahalaan ang pagkain ng mga estudyante upang makaiwas sa malbutrisyon at maging ganado sa pag-aaral.

Kabilang ang mga estudyante ng Benigno ‘Ninoy’ S. Aquino High School sa may matatanggap na libreng pagkain mula sa Makati City hall.

Batay sa anunsiyo ng BNAHS, pinaaalalahanan ang mga magulang ng mga mag-aaral na kunin na ang food supply ng kanilang mga anak at ang huling araw ng food distribution ay sa Hulyo 16, Biyernes.

Nakasaad ang panawagan at paalala sa official na Facebook page na Pembo Cares.

Paaalala ng paaralan sa mga tatanggap ng food pack na dalhin ang kanilang identification card, gayundin ang school ID ng anak at sumunod sa minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing.