Nation

MGA ISKUL NA LALAHOK SA F2F CLASSES INAASAHANG DARAMISA ILALIM NG ALERT LEVEL 2

/ 3 February 2022

UMAASA ang Palasyo na mas maraming eskuwelahan ang lalahok sa limited face-to-face classes sa ilalim ng Alert level 2.

Ang Metro Manila, Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan ay nasa ilalim ng Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15.

“So, now na there are several provinces, including NCR, that is already on Alert Level 2, then we hope to be able to see a more, you know, an expansion on the number of schools, public schools that already can do the face-to-face classes upon the assessment of Department of Education pati ng Department of Health,โ€ wika ni acting presidential spokesperson Secretary Karlo Nograles.

Ayon kay Nograles, maaari na ring magbukas ang mga pribadong eskuwelahan ng in-person classes.

โ€œThat being said, โ€˜yung mga private schools na gusto na ring magsimula ng face-to-face classes, especially in the Alert Level 2 areas, can now begin making their representations with the Department of Education para mabigyan din sila ng pahintulot ng DepEd na mag-face-to-face classes na rin sila,” dagdag ni Nograles.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak ng physical classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2.

Nagsimula ang pilot run ng in-person classes noong Nobyembre 15, 2021 at natapos noong Disyembre 22, 2021.