DEPED HINDI MAGSUSUSPINDE NG KLASE SA KABILA NG WEEKLONG TRANSPORT STRIKE
HINDI magsususpinde ng klase ang Department of Education sa kabila ng inaasahang malawakang tigil-pasada sa susunod na linggo.
HINDI magsususpinde ng klase ang Department of Education sa kabila ng inaasahang malawakang tigil-pasada sa susunod na linggo.
“On the part of DepEd, there will be no suspension of classes,” ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa.
“Those who will not be able to attend in-person classes should be allowed to continue learning through Alternative Delivery Modes,” dagdag pa niya.
Subalit nagdeklara naman ng suspensiyon ng face-to-face classes ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa lahat ng antas sa mga pampubliko at at pribadong paaralan sa lungsod.
“Sa mga araw na mayroong tigil-pasada, ipagpapatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang gawain at pag-aaral sa kanilang tahanan gamit ang kanilang modules,” ayon sa Facebook post ng Marikina public information office.
“Sa mga may kakayahan, maaaring magsagawa ng online classes bilang alternative learning modality,” dagdag pa nito.
Ayon sa transport groups, ang tigil-pasada sa susunod na linggo ay magsisimula sa Marso 6 (Lunes) hanggang Marso 11 (Sabado).