Nation

2021 PMA ALUMNI HOMECOMING TULOY SA ONLINE

/ 7 February 2021

DAHIL sa patuloy na banta ng Covid19, gagawin sa pamamagitan ng online ang annual homecoming sa Philippine Military Academy ngayong taon.

Ito ang inanunsiyo ni PMA Chief Operations Lt. Col. Ronald Gaboy sa isang pulong sa Cordillera Regional Inter-Agency Task Force.

Sinabi ng opisyal na.tanging mga kinatawan ng bawat klase ang maaaring lumahok sa virtual event.

“The annual alumni homecoming of PMA will be a limited event and the attendees will join online,” ayon kay Gaboy.

Aabot naman sa 800 participants ang maaaring makasama.sa Zoom PMA Homecoming sa Pebrero 12 hanggang 13.

Una nang napagkasunduan ang face-to-face homecomong alumni ng 350 participants subalit ginawa itong hybrid kung saan ang 800 attendees ay sa Zoom na lang dahil sa Covid19.

“We reduced it to a hybrid limited face-to-face with only the class presidents attending. The others, about 800 or more will attend through Zoom,” sabi ni Gaboy.

Hanggang noong Pebrero 4 ay may 40 nang nagpahiwatig ng physical attendance habang wala nang event sa closed venue.

Wala na ring class activities ngayong taon.

Ang mga dadalo sa face-to-face homecoming ay kinakailangang may travel pass at medical certifiacate na negative sa.RT PCR Test.