200 FARMERS SUMAILALIM SA TRAINING INDUCTION PROGRAM
/ 14 September 2024
DALAWANDAANG magsasaka mula sa Nueva Vizcaya ang sumailalim sa Training Induction Program ng Technical Education and Skills Development Authority.
Ito ay para sa pagsisimula ng kanilang pagsasanay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Services Program scholarship program ng TESDA.
Ang mga rice farmer ay nagsasanay sa kursong Production of High-Quality Inbred Rice, and Seed Certification, and Farm Mechanization sa Solano Integrated Agri-tourism Center.
Umaasa naman ang TESDA na kasabay ng pagsasanay ay madaragdagan ang kaalaman ng mga magsasaka, gayundin ang pagkaunawa nila sa RCEF ExtensionProgram.