VP LENI ‘DI PA RIN SUMUSUKO PARA SA UNITED OPPOSITION
KINUMPIRMA nina Senate President Vicente 'Tito' Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagkaroon ng pagpupulong sina Vice President Leni Robredo at Senador Panfilo Lacson.
KINUMPIRMA nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagkaroon ng pagpupulong sina Vice President Leni Robredo at Senador Panfilo Lacson.
Ang pulong na ginawa nitong Sabado ay indikasyon na hindi pa rin sumusuko si Robredo na pagkaisahin ang mga kontra sa administrasyon para sa 2022 elections.
Gayunman, sinabi ni Drilon na batay sa nakita niya sa usapan, malabo nang magkaroon pa ng kasunduan bago ang halalan.
“Yes, I confirm a meeting took place with Sen. Ping and Sen. Tito. It was part of the continuing effort of VP Robredo to unite the opposition. No agreement was reached. My impression is that no agreement can be reached,” pahayag ni Drilon.
Kinumpirma rin ni Sotto ang pulong subalit tumangging magbigay ng mga detalye at ipinauubaya na sa kampo ng Bise Presidente kung nais nitong ihayag ang kanilang mga napag-usapan sa pulong.
Matatandaang una na ring nagpulong ang dalawang kampo upang bumuo ng istratehiya sa pagkakaroon ng iisang kandidato sa ilalim ng oposisyon subalit wala ring kinahinatnan makaraang tanggihan ni Robredo ang iniaalok na sistema ni Lacson.
Sa suhestiyon ni Lacson, hahayaang maghain ng kandidatura ang lahat ng mga nais kumandidato at saka pupulsuhan ang pinakamalakas na kalaban ng administrasyon na siyang susuportahan ng iba pang kandidato sa pamamagitan ng pag-atras sa kani-kanilang kandidatura.