KabataanSaHalalan

RANDOM DRUG TESTING IGINIIT NI ROBREDO

Sinabi ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo na dapat gawing biglaan ang pagsasagawa ng drug test.

/ 25 November 2021

Sinabi ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo na dapat gawing biglaan ang pagsasagawa ng drug test.

“Ako, anytime naman pero sa akin kasi dapat sana iyong pagpapa-drug test random, unannounced,” sabi ni Robredo.

“Alam naman natin na mas maigi na random, mas maigi na unannounced para nakukuha mo kung ano talaga iyong tunay na sitwasyon,” dagdag ng bise presidente.

Nakahanda rin si Robredo na magpa-drug test anumang oras.

“Pero anytime na may lumapit sa akin na mag-request na mag-undergo ako, ako go ako anytime.”

Kamakailan ay boluntaryong nagpa-drug test sina presidential candidates Sen. Panfilo Lacson at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., gayundin si vice presidential aspirant Sen. Vicente Sotto III at nagnegatibo ang mga ito.

Samantala, sumailalim din sa drug test si presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao na isinagawa ng Voluntary Anti-Doping Association bago ang kanyang huling boxing match.