PROKLAMASYON NG NANALONG PRESIDENTE, BISE PRESIDENTE ‘DI NA PATATAGALIN NG KONGRESO
HINDI na patatagalin ng Kongreso na uupo bilang National Board of Canvassers para sa mga boto sa presidente at bise presidente ang proklamasyon ng susunod na lider ng bansa.
HINDI na patatagalin ng Kongreso na uupo bilang National Board of Canvassers para sa mga boto sa presidente at bise presidente ang proklamasyon ng susunod na lider ng bansa.
Ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III, kung non-stop o tuloy-tuloy ang kanilang canvassing mula May 24 ay maisasagawa nila ang proklamasyon sa Mayo 26.
Binigyang-diin ni Sotto na batay sa kanilang tradisyon, sa sandaling matapos ang canvassing ay hindi na sila maghihintay pa ng kinabukasan at agad nang isasagawa ang proklamasyon.
Inalala pa ng lider ng Senado ang naging proklamasyon kay dating Pangulong Gloria Arroyo noong June 6, 2004 na ginawa nila ng madaling-araw.
Kasabay nito, nagbabala ng constitutional crisis si Sotto kung pipigilan ang Kongreso sa canvassing ng mga boto para sa Presidente at Bise Presidente.
Kasunod ito ng petisyon sa Korte Suprema para sa pagpapalabas ng temporary restraining order sa canvassing ng mga boto at kinalaunan ay proklamasyon kina presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ipinaliwanag ni Sotto na hanggang June 3 na lamang maaaring mag-convene ng session ang mga miyembro ng 18th Congress.
Kung hindi, aniya, ma-canvass ang mga boto bago ang June 3, ay wala nang maaaring gumawa nito alinsunod sa Konstitusyon.
Mangangahulugan ito na walang bagong lider ng bansa pagsapit ng June 30 na para sa kanya ay isang krisis.