PANGILINAN OPISYAL NANG KA-TANDEM NI ROBREDO
OPISYAL nang si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, presidente ng Liberal Party, ang running mate ni Bise Presidente Leni Robredo sa May 2022 elections.
OPISYAL nang si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, presidente ng Liberal Party, ang running mate ni Bise Presidente Leni Robredo sa May 2022 elections.
Inihain ni Pangilinan ang kanyang certificate of candidacy sa pagka-bise presidente, Biyernes, Oktubre 8.
Hindi tulad ni Robredo na piniling tumakbong pangulo bilang isang independent, si Pangilinan ay kakandidato sa ilalim ng LP banner.
Samantala, pinangalanan ni Robredo ang kanyang initial senatorial lineup na kinabibilangan nina Senators Risa Hontiveros at Leila De Lima, dating Senador Antonio Trillanes IV, dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat at human rights lawyer Chel Diokno.
Iniatras naman ni dating Senador Bam Aquino ang kanyang kandidatura para magsilbing campaign manager ni Robredo.
“There are others who confirmed, but we are not in authority yet to say their names. They come from different backgrounds. It will be out by next week,” sabi ni Robredo.