PABAHAY, HEALTH INSURANCE SA JOURNALISTS; DECRIMINALIZATION NG LIBEL ISUSULONG NG GRUPO NI LACSON
KUNG mananalo sa eleksiyon sa Mayo 9, itutulak ng grupo nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang ilang mga hakbangin para sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamahayag.
KUNG mananalo sa eleksiyon sa Mayo 9, itutulak ng grupo nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang ilang mga hakbangin para sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamahayag.
Bukod sa pagtiyak sa pagpapatupad sa press freedom, nangako ang grupo na ipaglalaban ang decriminalization ng libel, pagbibigay ng murang pabahay sa mga mahihirap na mamamahayag at pagkakaloob ng health insurance.
“For the media in general, I will support any move and spearhead the move to decriminalize libel….It’s about time. In this age of modern technology wala na dapat nakahang na banta ng kasong kriminal over the heads of our media,” pahayag ni Lacson.
Binigyang-diin naman ni senatorial bet Manny Pinol na bilang dating mamamahayag, bahagi ng kanyang pangarap na magkaroon ng disenteng bahay ang mga mahirap na mamamahayag.
“I have one dream, it doesn’t require legislation, problema ng mga journalist walang bahay…sometimes ang kahirapan, will leave you open into temptations, if we can come up with press freedom village, mas maganda,” pahayag ni Pinol.
Iginiit naman ni senatorial bet Dra. Minguita Padilla na dapat magkaroon ng health insurance coverage ang mga kagawad ng media upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan lalo na sa mga coverages na naglalagay sa panganib sa kanilang buhay.
“As a doctor, I see journalist end up in the hospital, in the course of doing their jobs, nagkakasakit sila, siguro dapat magkaroon ng Magna carta for journalist to include accident insurance,” diin ni Padilla.