NPC WALANG IEENDORSONG PRESIDENTIAL BET — SOTTO
WALANG ieendorsong presidential bet ang Nationalist People's Coalition o NPC na pinamumunuan ni Senate President Vicente Sotto III.
WALANG ieendorsong presidential bet ang Nationalist People’s Coalition o NPC na pinamumunuan ni Senate President Vicente Sotto III.
Ayon kay Sotto, matapos ang maraming konsultasyon at diyalogo sa kanilang council of leaders at iba pang miyembro ay maituturing pa ring free zone ang partido para sa pagka-presidente hanggang Mayo 9.
“As of now, the declaration of our council of leaders is free zone. Until May 9,” pahayag ni Sotto.
Ipinaliwanag ng NPC chairman na may kanya-kanyang commitment na ang ilan nilang local leaders kaya hindi maipipilit sa kanilang suportahan ang iisang presidential bet.
Idinagdag pa ng senador na sinusunod din nila ang bilin ni dating Ambassador Danding Cojuangco na palagi silang maging maingat sa pag-eendorso ng presidential bet lalo na’t mga businessman ang karamihan sa kanilang miyembro.
Kasabay nito, kinumpirma ni Sotto na hindi magbabago ang kanilang campaign strategy ni Senador Panfilo Lacson sa nalalabing mga araw ng kampanya.
Gayunman, napag-usapan na rin, aniya, nila ni Lacson na dadalo siya sa mga proclamation rallies ng local candidates ng NPC.