KabataanSaHalalan

MABILIS NA INTERNET ISUSULONG NI PACQUIAO

TITIYAKIN ni presidential aspirant Senador Manny Pacquiao ang pagkakaroon ng mabilis na internet connection sa bansa.

/ 19 December 2021

TITIYAKIN ni presidential aspirant Senador Manny Pacquiao ang pagkakaroon ng mabilis na internet connection sa bansa.

Nangako si Pacquiao na uunahin ang paglalatag ng maaasahang national broadband para maiwasan ang mabagal na internet connection sa bansa.

Ito ay makaraang maranasan mismo ng mambabatas ang mabagal na internet nang dumalo sa virtual session sa Senado.

Sinabi ng senador na dapat matiyak ng susunod na pamahalaan ang mahusay na serbisyo sa internet na kailangan ng isang umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas.

Nangako siyang magpapatupad ng mga hakbang upang pilitin ang mga nagkakaloob ng serbisyo sa internet na pataasin ang saklaw at bandwidth ng network.

Idinagdag pa ni Pacquiao na ang mahinang serbisyo ng internet sa bansa ay isa sa pinakamalaking ‘turn-off’ sa mga foreign investor.