KabataanSaHalalan

KAGULUHAN SA OVERSEAS ABSENTEE VOTING PINABUBUSISI

NAIS nina Senador Koko Pimentel at Bayan Muna Partylist Rep. Ferdinand Gaite na busisiin ang naging kaguluhan sa unang araw ng absentee voting para sa mga overseas Filipino workers, partikular sa Hong Kong.

/ 12 April 2022

NAIS nina Senador Koko Pimentel at Bayan Muna Partylist Rep. Ferdinand Gaite na busisiin ang naging kaguluhan sa unang araw ng absentee voting para sa mga overseas Filipino workers, partikular sa Hong Kong.

Sinabi ni Pimentel na dapat agad na maimbestigahan ang isyu at mag-adjust ng polisiya ang Commission on Elections kung kinakailangan upang mapaganda pa ang kasalukuyang sistema.

Binigyang-diin ng senador na dahil isang buwan ang overseas absentee voting ay may sapat pang panahon ang poll body upang matiyak na walang OFW na hindi makakaboto.

Dapat aniyang magpaliwanag ang Comelec sa mga botanteng nagtangkang bumoto subalit napilitang umuwi dahil sa kalituhan.

Sa panig ni Gaite, tiniyak niyang hihilingin niya sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na ipatawag ang Comelec, Department of Foreign Affairs at Hongkong Consular office para pagpaliwanagin sa isyu.

“We cannot allow the potential massive disenfranchisment of our overseas voters due to the ineptitude and lack of proper organizing by these officials. The slashing of funds by the DBM for the overseas voting must also be looked into,” pahayag ni Gaite.