JESSICA SOHO IPINAGTANGGOL NI LACSON
IDINEPENSA ni presidential aspirant at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mamamahayag na si Jessica Soho nang tawagin itong biased news anchor ng kampo ni presidential bet Ferdinand Marcos Jr.
IDINEPENSA ni presidential aspirant at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mamamahayag na si Jessica Soho nang tawagin itong biased news anchor ng kampo ni presidential bet Ferdinand Marcos Jr.
Ang pahayag ng kampo ni Marcos laban kay Soho ay kasunod ng desisyon na hindi paunlakan ang presidential interview ng GMA.
Binigyang-diin ni Lacson, isa sa apat na presidentiables na dumalo sa panayam, na maging siya ay ginisa ni Soho sa mahihirap na tanong.
“Jessica Soho, biased? I was asked very hostile questions like my role during martial law, why I evaded arrest in 2010, my co-authorship and sponsorship of the Anti-Terror Law, human rights issues and other hard questions,” pahayag ni Lacson.
Iginiit ng senador na hindi biased at sa halip ay ginagawa lang ng journalist ang kanyang trabaho.
“I don’t think so. Like any journalist, trabaho niya ‘yun,” dagdag pa ng senador.