KabataanSaHalalan

ELEAZAR PASOK SA SENATORIAL SLATE NG LACSON-SOTTO TANDEM

KINUMPIRMA ni Senador Panfilo Lacson na kasama sa kanilang mga kandidato sa pagka-senador sa 2022 elections si retired PNP Chief Guillermo Eleazar.

/ 13 November 2021

KINUMPIRMA ni Senador Panfilo Lacson na kasama sa kanilang mga kandidato sa pagka-senador sa 2022 elections si retired PNP Chief Guillermo Eleazar.

Ayon kay Lacson, kakandidato si Eleazar sa ilalim ng Partido Reporma na kanyang pinamumuan.

“Yes, I confirm that he will run under Partido Reporma to substitute for Paolo Capino who has announced his intention to withdraw from the senatorial race yesterday,” pahayag ni Lacson sa mensahe sa Senate media.

Matatandaang una nang nagpahiwatig si Senate President Vicente Sotto III sa kanilang ‘surprise candidate’ na tutukuyin sa November 13 matapos itong magretiro.

Kahapon ay pormal nang nagretiro si Eleazar sa pagsapit ng mandatory age of retirement na 56.

Inaasahan namang maglalabas ng bagong talaan ng senatorial slate ang Lacson-Sotto tandem matapos sabihin ng lider ng Senado na susubukan nilang limitahan sa 12 ang kanilang ieendorsong kandidato.