BBM, SARA TOP CHOICE PARA SA PRES, VP SA PANGASINAN STATE U SURVEY
NANGUNA si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa survey na isinagawa ng Pangasinan State University.
NANGUNA si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa survey na isinagawa ng Pangasinan State University.
Nasa 16,837 ang respondents sa ‘Pulso ni PSU’ survey na nagmula sa iba’t ibang campus ng PSU sa Easter, Wester, at Central Pangasinan.
Nakakolekta si Marcos ng 64.96 porsiyento o 10,938 ng kabuuang boto, sumunod sina Vice President Leni Robredo na may 9.41 porsyento o 1,585 boto, at Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha naman ng 3.44 porsiyento o 580 boto.
Samantala, top choice naman si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa bise-presidente na may 31.03 porsiyento o 5,224 boto. Sumunod sa kanya sina Sen. Grace Poe na nakakuha ng 10.50 porsiyento o 1,768 boto, at Senate President Vicente Sotto III na may 9.25 porsiyento o 1,558 boto.
Nasa 83.5 porsiyento o 14,060 ng mga respondent ang nagsabing ang mga kandidato ay makakalikasan, makabayan, maka-Diyos, makatao, matalino at mahusay.