KabataanSaHalalan

ACTRESS ANGELU DE LEON KAKANDIDATONG KONSEHAL SA PASIG

NAGHAIN ang aktres na si Angelu De Leon ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-konsehal sa ikalawang distrito ng Pasig para sa halalan sa susunod na taon.

/ 7 October 2021

NAGHAIN ang aktres na si Angelu De Leon ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-konsehal sa ikalawang distrito ng Pasig para sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ng 42-anyos na aktres na tumakbo siya sa pagka-konsehal dahil na-inspire siya sa magandang pamumuno at pamamalakad ni Mayor Vico Sotto kung saan malaki na, aniya, ang naging pagbabago ngayon ng lungsod.

“I decided to run because I was inspired by the good governance of Mayor Vico. Nakita naman natin ‘yung mga pagbabago,” sabi ng aktres sa panayam ng media.

Inamin din ng aktres na siya ang lumapit kay Mayor Vico para kunin siya at maging myembro ng team ng alkalde kung saan tumatakbo ito para sa ikalawang termino.

“I was the one who approached him pero hindi po basta-basta, kilala naman natin si Mayor Vico na nasa big five agenda niya ang konsultasyon bago aksiyon. I wanted to have his blessing and I wanted to really be part of his team,” sabi ni De Leon.

Sakaling mahalal bilang konsehal ng lungsod, kanya umanong isusulong ang karapatan ng mga kakabaihan at mga kabataan, magtatayo ng mga day care center para sa mga senior citizen habang wala pang home for the aged, pagkakaroon ng Kariton Christian Values kung saan tuturuan ng mga magagandang asal ang mga bata, livelihood program, at pagkaroon ng financial lietracy.