WEBSITES NG ILANG UNIBERSIDAD NAGKAABERYA
NAKARANAS ng problema ang ilang unibersidad sa pag-access sa kanilang websites na gumagamit sa edu.ph domain.
Kabilang sa mga ito ang University of the Philippines, University of Sto. Tomas, University of the East, New Era University at iba pa.
Sa kani-kanilang advisory ng mga educational institution sa kanilang social media pages, ipinabatid nila sa mga estudyante at iba pang stakeholders ang nangyaring technical issue na maaaring makaapekto sa pag-access ng kanilang online services.
Apektado ng aberya ang lahat ng institusyon na gumagamit sa edu. ph domain.
Naghihintay naman ang mga unibersidad sa updates mula sa Philippine Network Foundation, Inc na siyang domain registrar para sa edu.ph kaugnay sa resolusyon ng isyu.