WANTED: 139 TEACHERS SA PANGASINAN STATE U
INANUNSIYO ng Pangasinan State University – Human Resource Management & Development Office na may 139 bakanteng posisyon para sa mga guro sa pamantasan.
Hanap ng PSU ang mga guro na may lebel na Instructor 1 para sa kontraktwal na posisyon sa siyam na campuses nito sa probinsya ng Pangasinan.
Sakaling makuha sa posisyon, tatanggap ng P27,608 monthly salary ang mga instructor na may salary grade 12.
Kinakailangang mayroong Bacherlor’s at Master’s degree ang mga aplikante na nakabase sa kanilang espesyalisasyon.
Kailangan din ng isang taong karanasan sa trabaho at dapat din ay pasado sa Bar o board exam kung ang kurso na kinuha ay may licensure exam.
Madedestino sa mga campus ng Alamino, Asingan, Bayambang, Binmaley, Infanta, Lingayen, San Carlos, Sta. Maria, at Urdaneta ang mga guro.
Ilan sa mga gurong hinahanap ng PSU ay ang mga kakayahang magturo ng History, Psychology, Information Technology, Professional Education, Criminology, English, Nutrition and Dietetics, Agribusiness Management, at iba pa.
Kailangang maghanda ng letter of intent, personal data sheet, copy of transcript of records, certification of work experience, at iba pang dokumento ang mga mag-aaplay.