Campus

WALANG ENTRANCE EXAM SA PNU?

/ 12 January 2021

SUSUSPENDIHIN ng Philippine Normal University ang entrance examinations para sa mga estudyanteng papasok sa naturang unibersidad sa susunod na akademikong taon.

Batay ito sa impormasyong ibinigay ng PNU North Luzon Student Government at ng The Torch North Luzonian, mga opisyal na konseho’t pahayagang mag-aaral ng PNU NL sa Alicia, Isabela.

Nagpadala umano ng text message si PNU NL Dean for Academics Dr. Marie Grace Cabansag na nagkukumpirmang walang PNU Admission Test para sa mga freshman sa AC 2021-2022.

Ayon sa anunsiyo, ang mga aplikante ay dapat na walang markang mas mababa sa 80 at sila’y papasa sa isahang panayaman.

Sinabi naman ni PNU Manila OIC Director of the Office of Admissions Prof. Ronald Gime na wala pang katiyakan ang ipinakakalat na balita ng PNU NL at wala pang anumang memorandum na ibinababa sa kanila ang pamunuan.

“According to the new OIC Director of the Office of Admissions-PNU Manila, Prof. Ronald Gime, there is no official announcement regarding the suspension of the conduct of the Philippine Normal University Admission Test  and that official information on application procedures will be released by February 2021,” ulat ng The Torch Publications-Manila.

Sa halip ay nagbukas sila ng isang bagong Facebook page para maging one-stop shop ng mga Grade 12 graduating student  hinggil sa PNUAT.

Payo niya’y hintayin muna ang anunsyo na may pinalidad bago magplano at gumawa ng aksyon.

Bisitahin ang Facebook page na https://www.facebook.com/pnu.admissions para sa mas maraming impormasyon hinggil sa admissions test.