Campus

VIRTUAL HONORS DAY CONVOCATION SA SILLIMAN U AARANGKADA NA

/ 12 April 2021

PAWANG nananabik ang mga estudyante at kanilang mga magulang at guardian sa itinakdang pagpaparangal at pagtatapos ngayong araw, Abril 12, sa Silliman Universtiy sa Dumaguete, Negros Oriental.

Gayunman, paglilinaw ng unibersidad sa kanilang official Facebook page, live streaming at hindi face-to-face ang magaganap na 63rd Honors Day convocation sa Silliman University.

Sa abiso pa ng pamunuan ng SU na naka-post sa kanilang mga social media account na Facebook at YouTube, ngayong alas- 2 ng hapon ang simula ng palatuntunan.

Inaasahan ang makabuluhang pagtatapos at pagbibigay ng parangal sa mga estudyante lalo na’t ito ang kauna-unang pagsasagawa ng naturang seremonya gamit ang internet o sa anyo ng virtual.

Bago ang pag-arangkada ng virtual 63rd Honors Day convocation ng SU, nagkaroon ng webinar ang mga guro at iba pang faculty members upang maging maayos ang okasyon.

Nagsagawa rin ng seminar sa mga estudyante para sa maayos na operasyon ng kanilang electronic gadget na gagamitin sa virtual convocation.

Maging ang mga magulang ay nagkaroon din ng briefings mula sa kanilang learners upang maiwasan ang aberya sa okasyon.