UP ‘CHOCOLATE KISS CAFE’ TULUYAN NANG NAGPAALAM
TULUYAN nang nagpaalam ang 23 taong The Chocolate Kiss Café, isa sa mga paboritong kainan ng mga iskolar ng bayan ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa UP Bahay ng Alumni, batay sa liham nilang mababasa sa website.
Ayon kay Ina Flores Pahati, ang may-ari at co-founder ng ChoKiss, hanggang Agosto 24 na lamang sila mamamalagi sa Bahay ng Alumni at hindi na muling makapagbubukas pa.
“There, I finally said (wrote) it. Difficult as it is to break the news, there’s something about writing it down that brings a slight ease. Maybe it’s how seeing the words on paper makes it more real, as if putting a finality to it, and by doing so, urges one past the denial stage of grief, inching towards acceptance, even if by tiny increments.”
Nakaugat na sa kulturang UP ang makasaysayang ChoKiss. Mula sa Lantern Parade, oryentasyon ng mga organisasyong pang-mag-aaral at pampakuldad, huntangan ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo, reunion, hanggang sa pagiging pahingahan ng UP Pep Squad at men’s basketball team at marami pang iba.
Marami naman ang nagpamalas ng kanilang kalungkutan nang sumambulat ang balitang ito.
Naalala pa ni @huhuhunnuh ang mga araw na magtitipid silang pamilya para rito kumain sa kanyang kaarawan, “im SAD ditto kami nagbi-birthday dinner nung bata ako tas lagi siyang super special na experience kasi gipit kami so pinagtatabihan talaga siya :((((((.”
“After college, may work na kami lahat, bumalik kami sa UP at dito kumain kasi finally kahit paano, afford na namin makakaindito na ‘di na kailangang magtipid sa pagkain sa mga susunod na araw,” sabi ni @lalalabamba712 habang sinasariwa ang mga panahong binalik-balikan nilang magkakaibagan ang ChoKiss kahit na matagal na silang nagtapos sa UP.
Mababakas naman ang papel ng ChoKiss hanggang sa buhay-pamilya ni @MommaMe8 nang ibinahagi niyang, “Impromptu lunch date with my dad after he drove me around EW branches. I was pregnant and couldn’t drive but had to work to prepare for CS expenses.”
Lakip ng “Goodbye Kiss” ni Pahati ang talatang “The world was shook this year by the pandemic. Everyone is forced to face a new normal and navigate uncharted territories. Just as my family’s life was unexpectedly changed for the better when the Café opened 23 years ago, I wait in anticipated breath for the best fruit to come out of this pruning. In the meantime, we will go back to our roots of baking cakes…and who knows where that sweet road may lead us.”
Isa lamang ang ChoKiss sa maraming micro, small, and medium enterprises na nagsara dahil sa Covid19.
Noong nakaraang buwan, tinatayang nasa 26% ng mga negosyo ang magsasara dahil sa krisis, ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez.