UNIBERSIDAD DE ZAMBOANGA MAY LIBRENG FLU VACCINE SA MGA EMPLEYADO
NAGBIGAY ng libreng influenza vaccine ang Unibersidad de Zamboanga sa kanilang mga empleyado upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at kalusugan.
Nasa 134 empleyado ng unibersidad ang nabiyayaan sa ibreng pagbabakuna na pinangunahanan ni UZ Physician Dr. Aeesha Yahcob-Pingli, kasama ang Safe, Health and Environment Department at health services staffs.
Binigyang-diin ng UZ na isa sa kanilang mga prayoridad ang kalusugan ng kanilang komunidad.
“The well-being of the University community remains to be one of the priorities of the Institution,” sabi ng UZ sa isang statement.
Ang flu vaccine ay makatutulong para malabanan ang influenza virus.
Wala pang malinaw na pag-aaral na makatutulong ito upang maiwasan ang Covid19 subalit malaking tulong ito para maiwasan ang flu-related illnesses.