Campus

UE ECE PROGRAM ISASARA NA NGAYONG TAON

/ 6 January 2021

NAPAGDESISYUNAN ng University of the East Manila Campus na tapusin na ang programang Bachelor of Science in Electronics Engineering ngayong semestre.

Hindi na umano tatanggap ng mga bagong mag-aaral sa kursong BS ECE ang Manila Campus at bagaman nakasulat sa liham na ipinahahanda na ang mga credential ng mga apektadong estudyante ay hinihintay pa rin ang guidelines kung awtomatiko na bang isasara lahat ng mga subject offering o pag tatapusin pa ang enrolled upperclassmen.

Sa liham ni UE President Ester Garcia kay College of Engineering Dean Florante Magnaye noong Disyembre 16 ay nakasulat na,  “This is to formally inform your office, that during the regular board meeting held on November 19, 2020, the Board of Trustees of the University of the East approved and confirmed the recommendation of the University President for the closure of the Electronics Engineering (formerly called Electronics and Communications Engineering) program of the College of Engineering-Manila Campus effective at the end of School Year 2020-2021.”

“As mandated and required by the Manual of Regulation for Private Higher Education, please endeavor to formally inform all affected students, faculty members and employees of the impending closure of the program. Your office is likewise directed to prepare and arrange the school credentials and assist and facilitate the immediate transfer to other higher educational institution of all students affected by this closure,” ayon pa sa liham.

Samantala, ibinalita naman ng UE Dawn, opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng UE, na ang tinitingnan sanhi ng naturang desisyon ay ang mababang bilang ng enrollment noong nakaraang anim na semestre kumpara sa mga karatig-unibersidad.

Gayundin, below national passing rate ang board examination percentage ng programa noong nakalipas na 10 taon.

Mayroon ding pangangailangang pinansiyal ang ECE program para makakuha ng bagong mga materyales, tools and equipment, sa pagpapabuti ng course performance, subalit hindi pa umano ito kaya ng UE lalo’t nasa recovery stage pa rin simula nang masunog ang tatlong gusali noong 2016.

Matatandaang isa ang College of Engineering sa mga napuruhan ng sunog,  apat na taon na ang nakararaan, kasama ang College of Arts and Sciences at University Chapel.