Campus

TUITION FEE HIKE SA UE INALMAHAN NG KOALISYON NG MGA MAG-AARAL

/ 28 July 2020

UMALMA ang Koalisyon ng mga Mag-aaral sa University of the East laban sa umano’y mataas at hindi makatarungang bayarin ngayong darating na pasukan, ayon sa liham na ibinalita ng RedWire, 24 Hulyo.

Ang koalisyon, na binubuo ng University Student Council, mga Student Council sa lahat ng Kolehiyo, at ng Law Student Government, ang nagpadala ng liham kay Dr. Ester A. Garcia, Pangulo at Chief Academic Officer ng University of the East, na naglalaman ng lahat ng hiling at hinaing ng mga mag-aaral patungkol sa tuition and other school fees.

Nauna nang hinihiling ng koalisyon ang ekstensiyon sa pagbayad ng surcharge mula sa mga hindi pa nababayarang tuition noong nakaraang semestre, gayundin ang pagbabalik ng halagang nauna nang naibayad ng mga mag-aaral. Gayundin ang mariin nilang kahilingan na pababaan pa ang downpayment para sa mga nais mag-enroll ngayong panahon ng pandemya.

Isinusulong ng koalisyon ang pagtapyas sa mas pinataas pang singil ng UE sa energy at internet fee. “Dahil din sa hindi naman personal na papasok ang mga-aaral, imposibleng magamit ang mga laboratoryo at walang sapat na rason para maningil pa ng laboratory fee – “it is only appropriate to demand the removal of laboratory fees being charged from the students’ fees as it is not deemed necessary and will not be utilized by the students,” pahayag ng mga tumututol na grupo.

 

UE-2

Noong Hulyo 23, 2020 ay nagpadala rin ng liham-reklamo ang UE Caloocan Student Councils sa Commission on Higher Education, para maisuplong ang pagtaas ng singil sa tuition kahit na hindi naman umano ito magagamit ng mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya.

“All the corresponding fees have still been included in the total enrollment fee with their amounts closely resembling the expenses that would have been incurred in regular face-to-face learning. Total tuition, in general of many courses, is still placed in the P50,000.00 to P60,000.00 range for online classes, paliwanag,” paliwanag ng sulat sa CHED.

Hinihintay pa ang tugon ni Garcia at ng pamunuan ng CHED sa mga liham na ito.