Campus

TRENDING: MALAWAKANG DAYAAN SA FINAL EXAMS SA UST SHS?

/ 4 May 2021

USAP-USAPAN ang umano’y cheating incident sa final examinations sa University of Santo Tomas Senior High School.

Ipinaskil ng UST Freedom Wall noong Mayo 1 ang isang anonymous confession na nagkukuwento tungkol sa gurong nag-post ng marka ng mga mag-aaral na umano’y nahuling nandaya sa pagsusulit. Mayroon pang lakip na pananakot ang guro na iha-hack ang account ng mga mag-aaral para mapatunayan ang ginawang kamalian.

Subalit, bagaman iniimbestigahan pa ay umiingay na rin ang posibilidad ng examination retake.

“Para sa prof na pinost ‘yung grades ng students niya na pinaghihinalaang nag-cheat sa exams, sana po in-address ninyo na lang nang maayos ‘yung situation. What was the point of posting your student’s scores?,” bungad ng pahayag.

Dagdag pa, “Yes, cheating is wrong. Masakit na malaman na ang mga estudyante mo ay nandaya. You could’ve talked to those students instead since malalaman mo naman kung sino sila dahil may hacker friends ka, ‘di ba?

“Ang unfair lang na those students who really studied and who are not involved in the incident are also needed to retake the exams. We were supposed to have our rest already. Sana sila na lang ang pinaulit ninyo.”

Trending din ito sa Twitter.

“lmao this one ust prof rlly out here hacking students’ accounts bc they’ve been accused of cheating sir that’s illegal gago,” wika ni @railedbyreiner.

Isang kaugnay na tweet din ang ipinost ng nagngangalang Anne.

“sige ust shs tapusin nyo nalang buhay ko keysa mag retake exam ako sa lahat ng subjects ko.”

Sambit naman ng isa pa, “k, i get na devastated and disappointed abt sa cheating allegations pero let’s not shame students lol Thumbs up your feelings are valid po pero theirs are too ayun lang salamat.”

Batay sa mga nakapanayam ng The Philippine Online Student Tambayan, nahuli umano ng SHS teacher ang malawakang dayaan sa Media and Information Literacy Fourth Quarter Examinations.

Isang anonymous email ang natanggap ng opisina na naglalaman ng google docs link kung saan nakasulat ang mga tanong sa pagsusulit. Nakita rin doon ang conversation thread ng mga hinihinalang nandaya.

Hindi pa natutukoy ang pinagmulan nito, subalit iniimbestigahan na ng pamunuan ang insidente. Hindi pa rin tiyak kung uulitin ang exam o magbibigay ng alternatibong pagsusuma sa mga apektadong mag-aaral.