Campus

TAYO NA AT MAGPA-HATID!

/ 6 August 2020

Maaari nang ma-download ang beta version ng pinakabagong mobile application para sa mga naghahanap ng e-tricycle sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman!

Ang Hatid ay isang mobile transportation platform na naglalayong matulungan ang mga drayber ng e-tricycle sa piling mga lokasyon. Ang beta version ay inilunsad noong 03 Agosto at pansamantalang maglilingkod muna sa mga pakuldad at kawani ng UP Diliman, partikular ngayong nahaharap tayo sa krisis-pangkalusugan.

Paano magagamit ang hatid? Mag-book lamang ng e-trike gamit ang aplikasyon at i-pin ang pagmumula’t patutunguhang lokasyon sa loob ng kampus. Nakatitiyak ding regular na nililinis at sina-sanitize ang mga sasakyan, mayroong hati sa pagitan ng drayber at pasaherong hindi lalagpas sa dalawa, alinsunod sa gabay sa social distancing.

Libre ang pagpapa-Hatid ngayong nasa beta ito at pinag-aaralan na ang pagrolyo ng serbisyo sa iba pang mga lugar sa Filipinas.