STUDENT COUNCIL ELECTIONS SA UE CALOOCAN PALYADO RIN?
MAKARAANG mabuking ang iregularidad sa halalan sa University of the East Manila ay lumabas ang tila palyado ring proseso ng eleksiyon sa UE Caloocan nang bawiin ng Commission on Elections ang pagkapanalo ng isang kandidato noong Mayo 3.
Sa isang public announcement, ipinaliwanag ng UE Caloocan Comelec ang iregularidad at ang ebidensiyang magpapatunay na si Gelian Salazar Benedicto ng Tinig ng Silangan ang tunay na nagwagi kontra Yzabelle Joy Basilio ng Nagkakaisang Tugon sa posisyong Fourth Year Representative ng College of Business Administration Student Council.
Dahil umano sa bagal ng transmission ng boto sa Canvas Education platform kaya hindi agad napansin ng canvassers ang galaw ng mga numero. Nitong Mayo 1 lamang nila nakita ang tatlong botong pagitan pabor sa kandidato ng Tinig ng Silangan.
“Upon checking, the number of votes are all the same with what was officially declared after the canvassing by the Comelec, except for the fourth year level representative of the College of Business Administration Student Council.
“According to the Office of Curriculum Development and Instruction, which oversees and handles the Canvas system, there was a delay in the transmittal of data that was floating in the CANVAS Cloud at the time when the results [were] downloaded [on] April 30, 2021, 5:06 PM and the floating data arrived late in the CANVAS system and was discovered only upon checking at the morning of, May 01, 2021.”
Maluwag na tinanggap ng magkabilang partido ang resulta bagaman hindi pa rin maalis ang agam-agam para ideklarang failure of elections ang nasabing kaganapan.
Nauna nang iniulat ng The POST ang iregularidad sa halalan sa UE Manila kung saan ipinaglaban ng Kaisa Ka ang pagkapanalo ng kanilang kandidato kontra maling anunsiyong lamang ng kinatawan ng Sandigan sa Silangan.