PUP SCHOLARS ‘NGANGA’ PA RIN SA LEARNING MODULES; BOARD OF REGENTS INGINUSO SA DELAY
INIHAYAG ng ilang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines na wala pa rin silang natatanggap na modules mula sa pamantasan kahit nagsimula na ang flexible learning dito noong Oktubre 5, 2020.
INIHAYAG ng ilang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines na wala pa rin silang natatanggap na modules mula sa pamantasan kahit nagsimula na ang flexible learning dito noong Oktubre 5, 2020.
Ayon sa mga estudyante, pakiramdam nila ay naiiwanan na sila sa mga aralin dahil ang mga kaklase nila na nasa online mode of learning ay sumasabak na sa online classes.
Kaya naman daw nila pinili ang modular learning ay dahil hindi maayos ang kanilang internet connection, at may trabaho ang ilan sa kanila.
Nauna nang binanggit ng administrasyon ng PUP na asahan na ng mga estudyante ang ‘delay’ sa pamamahagi ng modules dahil sa quarantine restrictions bunsod ng Covid19 pandemic.
Pinabulaanan naman ito ng isang concerned faculty member at sinabing dahil sa mabagal na aksiyon ng PUP administration kaya umano palpak ang kanilang pagbubukas ng klase.
Ayon sa propesor na ayaw ipabanggit ang pangalan, dahil sa mabagal na bidding process at pag-apruba ng Board of Regents ng pamantasan sa pagbili ng mga printing machine ay hanggang ngayon ay wala pang naipamamahaging modules sa mga estudyante.
Mas napapatagal pa umano ito ng quality control check ng PUP sa mga modules na hanggang ngayon ay hindi pa ginagawa.
Ibinahagi rin ng propesor na pitong instructional materials pa lamang ang inaaprubahan ng Instructional Materials Committee na kalimitan ay mga science subjects. Anim pa lang dito ang naiimprenta.
“Isipin mo na lang kung ilang subjects mayroon sa buong PUP pero pito pa lang ang natatapos… kasi bago i-go sa pag-print, tsine-check muna ng committee for quality control pero ‘di pa rin nila ginagawa” wika ng guro.
Hindi pinapayagan ng PUP na lumipat mula modular papuntang online mode o vise versa ang mga estudyante ngunit pinapayagan ang mga nasa modular learning na maki-sit-in sa webinars.
Hiling ng mga estudyante na sana ay matanggap na nila ang mga module dahil nahuhuli na sila sa kanilang pag-aaral.