PRIVATE FIRM DELIVERS FREE WI-FI FOR TAGUM CITY STUDENTS
NAKIKIISA sa Brigada Eskwela ang isang local security firm sa lungsod ng Tagum at namigay ng 50 wi-fi modems sa La Filipina National High School upang matulungan ang mga learners sa kanilang pag-aaral ngayong ‘new normal’.
Ayon kay Lilibeth Abe-abe, General Manager ng Blackfighter Security Agency Inc., kasama sa adhikain ng kompanya na tumulong sa komunidad bukod pa sa pagtulong sa kanilang mga empleyado sa gitna ng pandemya.
“It is also our social responsibility to the community, especially to the students, that is why the management has decided to extend our assistance that can help the students’ learning in the new normal,” pahayag ni Abe-abe.
Dagdag niya, “umaasa kaming mapapagaan ang buhay ng mga learners sa nakayanan naming tulong.”
Hinikayat din ni Abe-abe ang iba pang kompanya na makiisa para sa mga mag-aaral ng lungsod.
Ikinatuwa naman ni LFNHS Adopt-a-School Coordinator Joan Lanciola ang naturang inisyatibo. “Malaking hakbang ito upang aming maabot ang target na numerong matulungan na mga naghihikahos na online learners,” pahayag ni Lanciola.
Kinilala naman ni LFNHS Brigada Eskwela coordinator Cherry Ann Nicolas ang malaking ambag ng stakeholder para sa ligtas at epektibong pag-aaral ng mga estudyante.
Nasa ilalim man umano ng tinawag na ‘new normal’ ay mananatiling buhay ang bayanihan ‘gaya ng partnership nila sa security agency.