PISAY STUDENT WAGI SA STEM WRITING CONTEST SA U.S.
UMANI ng paghanga at papuri ang Grade 11 student ng Philippine Science High School-Main Campus sa Quezon City makaraang magwagi sa second annual STEM Writing Contest ng The Learning Network na inorganisa ng The New York Times.
Sa kanilang Facebook page, ipinagbunyi ng PSHS ang pagkapanalo ng kanilang mag-aaral na si Natalia Araña sa katatapos na patimpalak.
“The Philippine Science High School System congratulates Natalia Araña, Grade 11 student at the Philippine Science High School-Main Campus, for emerging as one of the top 11 winners of The Learning Network’s second annual STEM Writing Contest organized by The New York Times,” nakasaad sa post.
Bilang pagkilala ng The New York Times sa 11 nagwagi, kanilang isinapubliko ang mga nanalong essay writings noong Abril 29.
Sa 3,741 entries, nangibabaw ang essay ni Araña na “Mycowood Violins: A Different Kind of Time Machine.”
Tinalakay sa essay ang mga likha ni Dr. Francis W.M.R. Schwarze bilang leading scientist sa larangan ng wood decay fungi.
Dahil tema ang STEM o Science, Technology, Engineering and Math, nabigyan ng paliwanag ni Araña ang epekto ng malamig na temperatura sa kahoy sa kanyang winning piece.