‘PINK’ NOODLES? MARIANO MARCOS U GINAWANG ‘PERA’ ANG DRAGON FRUIT PEEL
ISINAPUBLIKO ng Mariano Marcos State University – Intellectual Property Technology Business Management sa Laoag, Ilocos Norte ang pinakabago nilang innovative research na nagpoprodyus ng pink noodles -– hair noodles na gawa sa balat ng dragon fruits.
ISINAPUBLIKO ng Mariano Marcos State University – Intellectual Property Technology Business Management sa Laoag, Ilocos Norte ang pinakabago nilang innovative research na nagpoprodyus ng pink noodles -– hair noodles na gawa sa balat ng dragon fruits.
“The pink noodle is a product that is actually derived from the dragon fruit, specifically using the dragon fruit peel. The conception of the pink noodle was to utilize the full fruit. Usually, we process the pulp to make it into a product like jam. But then, we observed that we have been piled up with a lot of peels. So, instead of throwing the peels, we thought of utilizing them and we used it in the formulation of noodles,” wika ni Fairie Domingo, isa sa mga mananaliksik.
Ang proyektong ito ay bahagi ng kampanya ng MMSU na trash-to-treasure o paglikha ng mga kapaki-pakinabang na pagkain at bagay mula sa mga materyal na akala ng kalakhan ay basura at wala nang gamit pa.
Kakaiba man ang kulay ng noodles ay sinisiguro ng mga mananaliksik na ito ay 100 porsiyentong ligtas sa katawan. Ang kulay nitong pink ay mula sa naturang coloring na hatid ng balat ng dragon fruits. May hatid din itong tropical flavor na swak sa linamnam ng bawat lutuing Ilokano-Filipino.
Inisa-isa pa nila ang nutrisyong taglay ng naturang pagkain. “The peel is rich in anthocyanins, antioxidants, natural colorant, soluble dietary fibers, vitamin C two times compared to pulp, and pectin.”
Ang noodles ay maaaring gamitin sa anumang lutuing gaya ng pancit miki, miki bihon, spaghetti, fettuccini, pati sa mga soup at fried noodle recipes.
Dalangin ng MMSU na maging matagumpay ang pink noodles, makapaghatid ng dagdag-kita sa mga Ilokano, at makilala sa merkado sa loob at labas ng bansa.