Campus

PINAKAMALAKING ALL-FILIPINO BOOK FAIR SA BANSA ONLINE NA!

/ 12 August 2020

SA PANGUNGUNA ng Book Development Association of the Philippines ay ilulunsad ang kauna-unahan at ang pinakamalaking All-Filipino Book Fair sa Filipinas sa Agosto 16-18.

Ang book fair na tinawag na “AKLATAN” ay maaaring daluhan sa Shopee.

“Watch out for the first-ever, All-Filipino online bookfair, AKLATAN on Shopee from August 16-18, 2020,” paanyaya ng BDAP sa kanilang Facebook post.

Minabuting ipagpatuloy ng BDAP ang pamilihang ito bilang paghahanda na rin sa pagsisimula ng bagong akademikong taon sa Agosto 24. Sinabi nila na bagaman umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine ay nararapat pa ring magpatuloy ang pagbabasa at pag-aaral ng mga akdang Filipino.

Narito ang 35 publikasyon at aklatang lalahok sa

AKLATAN:

 

19th Avenida Publishing

Adarna House

Alpha Stream Marketing

Anvil Publishing

Asia/Pacific Circulation Exponents

Ateneo De Manila University Press

Ateneo de Naga University Press

Bookware Publishing Corp

Central Books Supply

Chapter House Publishing

Christian Literature Crusade

Church Strengthening Ministry

Cunanan Map House

FELTA Multi-Media

FEU Publications

Forefront Book Co., Inc.

Great Books Trading

Institute of Spirituality (ISA-Jecho Publishing)

MSA Publishing

New Day Publishers

OMF Literature

Our Daily Bread Ministries Philippines

Philippine Christian Literature, Inc.

Phoenix Educational Services, Inc.

Precious Pages and Lampara House

Saint Mary’s Publishing

Salinlahi Publishing House

San Anselmo Publications

St. Matthew’s Publishing

Summit Media

Tahanan Books

University of Santo Tomas Publishing House

University of the Philippines Press

Wizard Publishing Haws

WS Pacific Publications

 

Kanya-kanya ring pakulo, padiskuwento, at pabatid ang mga kalahok at mga awtor na ngayon pa lamang ay inaabangan na ng mga guro, mag-aaral, at mambabasa.

“Kakaiba ang book fair ngayong taon. Naalala ko, tatlongsunod-sunod na araw kong binabalik-balikan ang Megamall dahil hindi ako magkamayaw sa pagbili ng mga reference book sa Physical Science – paghahanda sana sa LET, pero nasuspinde, at para rin sa mga mag-aaral na makakasama ko ngayong taon,” wika ni Jessica Lyka Santos, guro ng Mary Chiles College sa Maynila.

May mga ‘pagkukulang’ pa rin sa karanasan ng pagbili ng libro ngayong  online na lamang ito gaganapin. Sabi nga ni Rema Erin Abu, mag-aaral sa high school ng University of the East, “sayang po at hindi ako makapagpapapirma ng mga libro sa favorite kong Filipino authors.”

Nobyembre 2019 nang inilunsad ng BDAP ang natatangingbook fair na ekslusibo para sa mga Filipinong awtor. Ito ay ginanap sa SM Megamall na dinumog ng libo-libong mamamayan mula sa iba’t ibang dako ng bansa.