PASUKAN SA FEU SA AGOSTO 17 NA
MATAGUMPAY na napaurong ng Far Eastern University Central Student Organization ang simula ng klase sa FEU sa Agosto 17 mula Agosto 10, ayon sa ulat ng konseho.
Matapos makatanggap ng tugon mula sa unang liham noong nakaraang linggo tungkol sa tuition rebate at miscellaneous fees, agad na sumulat si FEUCSO President Clarice Jane Gerona ng pasasalamat at karagdagang hiling sang-ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral ngayong darating napasukan. Kagyat naman itong isinaalang-alang ng naturang pamantasan at ipinagkaloob ang mga panuntunang maka-estudyante.
Iniurong ng isang linggo ang simula ng pasukan para magkaroon pa ng karagdagang oras-paghahanda ang mga mag-aaral at mga magulang sa bagong normal ng edukasyon. Gayundin, pinalawig pa ang dedlayn ng pagbabayad ng matrikula at pagmumulta sa late fees. Minandatuhan naman ang mga pakuldad na huwag magsagawa ng mga graded assessment sa unang dalawang linggo ng semestre bilang konsiderasyon samga late enrollee.
Kahapon ay naglabas pa ng karagdagang pabatid ang FEU Academic Affairs Office:
Upon the proposal of FEU CSO to the Academic Affairs Office, here are (the) additional guidelines and considerations that will be given to the students for the 1st Semester of Academic Year 2020-2021:
- There will be no graded assessments on the first two (2) weeks of class in considerations to late enrollees.
- Students will be given at least one (1) week deadline for formative assessment and two (2) weeks deadline for summative assessment.
- Synchronous assessments shall not be given but if deemed unavoidable, professors are encouraged to be lenient to the students who miss it.
- Online classes should be held only during the schedule reflected in the COR. Faculties are also encouraged to pre-record their discussions.
- Attendance checking of the students is suspended for this semester. The faculty cannot fault a student for not being present in an online conference. Students are encouraged to attend the online conference to maximize digital learning
- Students can negotiate with the faculty if the course syllabus and schedule of activities are too tight.
- Students with unconverted IPQ grade are still eligible for scholarship grants, provided that the requirements are submitted on or before August 1.
Batay sa FEU Primer, ang buong pamantasan ay gagamit ng tatlong moda ng pagkatuto sa darating na semestre – Mixed Online Learning, Asynchronous Online Learning, at Total Analogue Learning.
Ipinagmamalaki ng pamantasan na maingat itong binuo ng administrasyon at ng mga pakuldad para matiyak na walang sinumang mag-aaral ang maiiwan at mahihirapan sa panahon ng Covid19.
Ang mga bago at maka-estudyanteng panuntunan ng FEU ay mula sa sama-samang pagkilos ng mga mag-aaral at ng kahusayan ng kanilang mga kinatawan sa konseho. Bagaman online ang laban at panawagan, ipinamalas pa rin nila na walangmakapapantay sa lakas ng konseho ng mga mag-aaral.
Ang balangkas ng kasalukuyang FEUCSO ay binubuo nina Pangulo Clarice Jane Gerona, Pangalawang Pangulo Kristoff Luzon, Kalihim Hanson Manubag, Ingat-Yaman Christian Garcia, Tagasuri Harry Tuazon, at Puno ng Ugnayang Pampubliko Jei Cauzon.