PAKINGGAN AWITING ALAY PARA SA BALIK-ESKUWELA
IDINAAN sa isang awitin ang kampanyang Balik-Eskuwela ng mga mag-aaral at mang-aawit mula sa lalawigan ng Saranggani.
Ang awitin na pinamagatang ‘Bagong Normal, Bagong Mundo (Balik Eskwela Na)’ ay likha nina Rodel Rubia, Vinz Abcde Betonio at Melvin Betonio. Layon nitong bigyan ng inspirasyon ang mga mag-aaral at mga guro na magpatuloy sa pag-aaral, magsikap para sa pagsulong ng dekalidad na edukasyon kahit na may pandemya.
“Sabay-sabay na babangon, sabay-sabay na aahon, ihanda ang sarili sa hamon. ‘Di papipigil sa pagsulong, sa kinabukasannakatuon, para sa dekalidad na edukasyon,” bungad ng awitin.
Hinihikayat ng awitin na lumaban ang bawat mamamayang Filipino sa anumang pagsubok na kasalukuyang kinahaharap: “Mahirap man ay kaya natin ‘to. Lakasan ang iyong loob, sa bagong normal, sa bagong mundo.”
Ibinahagi ito ng Kagawaran ng Edukasyon sa kanilang Facebook page na umani na ng higit 5,000 reactions at higit 3,000 shares.
Pakinggan ang awitin: https://www.facebook.com/DepartmentOfEducation. PH/posts/3843579725701693. Mapapanood din ito sa YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=tiJfTf_GrWQ.