ORGANIZED FEU STUDENTS UMALMA SA ‘TUITION FEE REBATES AT UNNECESSARY FEES’
PINANAWAGAN sa isang joint statement ng Far Eastern University Central Student Organization at ng bawat pinuno ng Institute Student Councils ang kalinawan sa tuition rebate at pagtatapyas sa mga hindi kinakailangang bayaring ipinapataw sa mga mag-aaral.
Nagpadala ang FEUCSO ng liham sa administrasyon para humingi ng paliwanag at detalyadong breakdown ng tuition rebate nitong Mayo. Ito ay matapos kuwestiyunin ng mga mag-aaral ang hindi nila mawaring polisiya ng rebate. Gayunpaman ay wala silang natanggap na anumang tugon mula sa FEU, dalawang buwan na ang nakaraan.
Umani ng maraming suporta ang pahayag nang i-post ito sa Facebook.
“Done enrolling my child and the only rebate that was given to us was the fee for the field trip of SHS STEM Gr 11 (SY 2019-2020)…all other tuition fees were consumed without any explanation,” pahayag ni Kuhlai B. Cuhlai na nagsasabing hindi naipaliwanag ng FEU ang sinasabi nilang pagbabalik ng unused tuition.
Samantala, tila naiisip na ni Niel Del Rosario na pansamantalang huminto sa darating na semestre sapagkat hindi niya kakayanin ang taas ng singil sa tuition: “Sana magrespond na sila sa concerns ng students. These past few days naiisip ko na lang mag stop muna dahil sa laki ng tuition, pero ang hirap madelay.”
Ayon naman kay Amy Ruth Valenzuela, kung ganito lamang din pala ang halaga ng bayarin ay para na ring nag-face-to-face ang mga mag-aaral. “Sana ijunk nila yung unnecessary fees. Given our situation right now, mahihirapan talaga tayong lahat sa pag budget. Besides yung rebate na ginawa nila is hindi pa sapat pambayad ng kuryente or bills ng wifi monthly dahil online class. Kung gantp rin naman pala, parang nag face to face class na rin pala tayo.”
Magkakatulad na sentimyento ang nararamdaman ng kalakhang mga mag-aaral at magulang mula sa iba’t ibang unibersidad sa Filipinas. Nitong nakaraan lamang ay nakapanayam ng The POST si Atty. Espina, ina ng isang engineering student sa UST na nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya tungkol sa mataas at hindi maipaliwanag na miscellaneous fees at ang hindi pa rin niya pagtanggap ng sinasabing “refund of unused tuition.” Panoorin ang dalawang-bahaging panayam ng The POST kay Atty. Espina rito: