Campus

NO FACE MASK, FACE SHIELD, NO ENTRY SA UST-LEGAZPI

/ 24 August 2020

PINAIGTING pa ng pamunuan ng  University of Sto. Tomas-Legazpi sa Albay ang health protocols para sa kanilang mag-aaral, guro at maging sa mga bibisita.

Sa anunsyo ng unibersidad na naka-post sa kanilang social media account, epektibo ngayon, Agosto 24, ay hindi makakapasok sa campus ang sinumang hindi nakasuot ng face mask at face shield.

Babantayan din ang lahat ng papasok sa unibersidad kung sumusunod sa social distancing.

Panawagan pa ng UST-Legazpi na sumunod sa health protocols gaya ng disinfection bago pumasok sa unibersidad lalo na sa mga tanggapan.

Paalala pa ng unibersidad na dapat magpasailalim sa thermal scanner para makuha ang real time body temperature, madalasang paghuhugas ng kamay at magbaon ng sariling ballpen at lapis upang maiwasan ang paghihiraman nang makaiwas sa Covid19 contagion.