MISS CAMEROON PROUD SA PINOY STUDENT NA NAGDISENYO NG KANYANG NATIONAL COSTUME
PINASALAMATAN ni Miss Cameroon ang 20-anyos na Fashion Design student ng Central Luzon State University na nagdisenyo ng kanyang national costume na irarampa sa 69th Miss Universe sa Mayo 17 sa Florida, USA.
Sa kanyang Instagram ay ipinost ni Miss Cameroon Angèle Kossinda ang nilikhang national costume ni Kennedy Jhon Gasper para sa kanya.
Si Gasper na taga-San Mateo, Isabela ay 3rd year college student at kumukuha ng Bachelor of Science in Fashion and Textile Technology, major in Fashion Designing sa CLSU sa Munoz, Nueva Ecija.
Una nang napaulat sa The POST ang kumpirmasyon ni Gasper na siya ang napili ng Miss Universe candidate mula sa Africa para magdisenyo at gumawa ng susuutin nito para sa nasabing kompetisyon.
Samantala, mataas ngayon ang moral ng mga guro at mag-aaral ng CLSU dahil sa mga papuring natanggap ni Gasper at nakilala ng buong mundo ang unibersidad na kayang mag-produce ng world-class fashion designer kahit hindi pa tapos.
“Our 3rd year student of BSFTT-FD has (been) given a big role as national costume designer to one of the candidates of MISS UNIVERSE 2021,” nakasaad sa official Facebook page ng CLSU.