Campus

MGA ESTUDYANTE OVERLOADED NA SA ACADEMIC REQUIREMENTS — YOUTH GROUPS

/ 6 April 2021

NANINIWALA ang mga youth group na walang masama sa pagpapagawa ng school works sa kanilang kapwa estudyante dahil masyado na umano silang ‘loaded’ sa requirements.

Sa isang online press conference, iginiit ni League of Filipino Students spokesperson James Carwyn Candila na kailangan ito ng mga estudyante upang makabawas sa kanilang workload.

Sinabi ni Candila na nagagawang tumanggap ng mga estudyante ng school works at gawin itong hanapbunay dahil na rin sa kakulangan ng salapi upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa panahon ng pandemya.

“‘Yung mga bawas workload na ito, hindi po ba mga estudyante rin na naghahanapbuhay, sumusubok at naghahanapbuhay sa kalagitnaan ng pandemya dahil nagkakaroon ng kulang sa allowance o nagkakaroon ng kulang na sustento sa kanilang pag-aaral lalo na po sa panahon ngayon,” pagbibigay-diin niya.

Dagdag pa niya, dahil dito ay malinaw na walang natututunan ang mga estudyante sa distance learning.

“Inilalantad nito na wala pong natututunan, hindi po effective ang ginagawa na online clsses sa panahon ngayon,” pahayag niya.

Samantala, sinabi ni Jeann Miranda ng Anakbayan na nagagawa ito ng mga estudyante dahil sa krisi na kinakaharap ngayon at kailangan ng dagdag kita para sa kanila ring edukasyon.

Dagdag pa niya, dahil sa bagong curriculum ay puro output-based na kaya nahihirapan ang mga estudyante na makapag-comply lalo na’t minsan ang ilan sa school works ay hindi kailangan sa kanilang kurso.

“Sa kabilang banda ay kailangan din nating tingnan na ‘yung mismong curriculum natin ngayon sa K to 12 ay outcome-based na, ginegrade ‘yung nga estudyante base sa kung ano nga ba ang nagiging ouput nila, so ang nangyayari ngayon para na lang dumudumi ang mga estudyante ng essays, ng projects, ng lahat ng outcome na puwede nilang gawin, videos whatever it is kaya naman sobrang nahihirapan ang mga estudyante ngayon,” paliwanag niya.