Campus

‘LR ON WHEeLS’ SA NEW NORMAL SA SARANGANI

/ 28 July 2020

KINIKILALA na ng sektor ng edukasyon ang malaking papel ng teknolohiya sa pag-aaral bago pa man lumaganap ang Covid19.

Upang makasabay sa modernong panahon, may mga nadisenyo nang pamamaraan ng pag-aaral sa tulong ng ICT o ang tinatawag e-Learning.

Kapag narinig ang salitang e-Learning, marahil iisipin ng iba na posible lamang ito sa urban setting. Ngunit pinatunayan ng DepEd-Sarangani na posible ito kahit saan.

Inilunsad kamakailan ang ‘LR on WHEeLS’ o ang ‘Learning Resources on WiFi Hub for Expanded e-Learning in Sarangani’ bilang tugon sa ‘new normal’ sa tulong ng Dynamic Learning Program ng Smart Communications at Sulong Karunungan ng provincial government.

“The program is built on the goal of making modern learning delivery approaches more inclusive. The team behind the program believes that even children in geographically isolated and disadvantaged areas have the right to experience the best tools in education,” bahagi ng pahayag ng DepEd-Sarangani.

Isa sa mga binisitang eskwelahan ng “LR on WHEeLS” ang Niyas Mintal IP School sa Kamaging, Daan Suyan sa bayan ng Malapatan upang masubukan ang proyekto. Gamit ang digitized learning materials at learning activity sheets, maganda ang naging komento ng mga mag-aaral at magulang tungkol sa actual learning sessions.

Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang munisipyo at nangakong maglalaan ng pondo para sa proyekto. Katuwang din sa proyekto ang Conrado and Ladislawa Alcantara Foundation, para sa mga nagamit na tablets sa simulation at nangako rin ang grupo na maghahanap umano sila ng paraan para makatulong sa lahat ng Sarangan learners.

“The successful implementation of LR on WHEeLS would be one clear proof that if we work together we can make what many believe to be impossible is possible,” dagdag na pahayag ng DepEd-Sarangani.