‘LOLO AT LOLA’ PINALAGAN NG PUP STUDENTS SA ISYU NG RED-TAGGING
INALMAHAN ng mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines ang ginawang red-tagging ng mga netizen matapos na ianunsiyo sa isang Facebook page ang pagpapatupad ng academic break ng pamantasan.
INALMAHAN ng mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines ang ginawang red-tagging ng mga netizen matapos na ianunsiyo sa isang Facebook page ang pagpapatupad ng academic break ng pamantasan.
Inanunsiyo ng News5 sa kanilang Facebook page ang desisyon ng administrasyon ng PUP na magpatupad ng academic break mula Nobyembre 3 hanggang Nobyembre 8 upang hayaang makaraos ang mga propersor at estudyante nito mula sa iba’t ibang parte ng bansa sa epekto ng bagyong Rolly.
Ayon sa mga netizen na karamihan ay nasa katandaan base sa kanilang Facebook profile, kuta ng New People’s Army ang PUP at ang academic break ay magiging daan lamang sa mas marami pang mga recruit na kabataan sa kabundukan upang lumaban sa gobyerno.
“Kailangan kasi magpulong pulong ng mga lider ng NPA. Binagyo Kasi mga kampon nila sa bundok,” “Lagi naman talagang walang pasok jan sa PUP pano tambayan ng mga rallyista,” “This break is appropriate to make more time to recruit more youth,” “para makkapag recruit na nman cla para sa npa,” at “PUP,UP pugad ng mga NPA recruitment,” ang ilan sa mga sentimyentong ibinahagi ng ilang netizens patungkol sa pamantasan at mga estudiyante nito.
Pumalag naman ang mga estudyante sa comment section ng announcement at nagulat nang mapunta sa isyu ng pagre-recruit ng Communist Party of the Philippines at NPA ang usapin ng academic break.
“Nag-declare lang ng academic break may red tagging agad?” “Dapat talaga di niyo na tinuruan mag-FB mga lolo’t lola n’yo,” “Hindi talaga lahat ng opinion ay tama. God bless sa mga walang umay na nang rered-tag diyan,” ang ilan sa mga komento ng mga estudyante ng PUP.