Campus

LIMANG ANAK NG PULIS ISKOLAR NG DE LA SALLE – ST. BENILDE

/ 6 November 2020

LIMANG anak ng pulis ang bibigyan ng scholarship ng Philippine National Police at De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-CSB) sa ilalim ng kanilang programang Educational Benefits Program.

Sa anunsiyo ng DLS-CSB, mga anak ng pulis na namatay sa operasyon at may magagandang grado sa eskuwela ang prayoridad sa scholarships.

Para sa nais maging iskolar, tumatanggap na ng aplikasyon ang Benildean Hope Grants hanggang sa Nobyembre 13, 2020.

”Only five deserving scholars, who are dependents of PNP personnel, will be entitled to free tuition and miscellaneous fees and an annual stipend from the PNP amounting to P10,000 each,” ayon sa PNP.

Gayunman, sinabi ni PNP Chief, General Camilo Pancratius Cascolan na may requirements para maging iskolar ng DLS-CSB bukod sa mga anak ng pulis na napaslang sa operasyon.

Ang limang mapalad na iskolar ay anak dapat ng PNP uniformed personnel na may General Weighted Average na 83% mula Grade 7 hanggang Grade 11, at dapat ay may matitirhan sa Metro Manila sa panahon ng kaniyang scholarship period.

“Based on the agreement, among priorities of the grant are dependents of deceased police personnel who died in action, those who were declared with complete disability discharge, and those with service-related permanent physical disability,”  ayon sa circular ng PNP.

Hinimok naman ng DLS-CSB ang mga anak ng active Police Non-Commissioned Officers na nakatalaga sa College of Saint Benilde sa loob ng limang taon na mag-apply sa scholarship grant.

Para sa mas detalyadong impormasyon, mag-surf sa https://www.benilde.edu.ph/scholarships/Financial-Aid-Grants/BHG.html,  o tumawag sa 8723-0401 local 4253/4241 or 8470-8993.