“LALABAN TAYO” HANDOG NG UE JAM SESSIONS SA FRONTLINERS
TITIK ni Jenny Legaspi, areglo ni Choi Felipe, video editing ni Cher Manulit, sa produksiyon ni Tommy Tanchanco, kasamaang higit 30 mang-aawit at artista, isinapubliko na ng University of the East Jam Sessions ang awiting “Lalaban Tayo” na handog sa mga Filipino frontliner na patuloy na nagbubuwis ng buhay para sa bayan.
Pinagsama-sama sa music video ang mga mag-aaral namay bitbit na mensahe ng pasasalamat at mga kuha ng kasalukuyan nating mga bayaning nakikipagbuno kontrapandemya.
Bakas sa liriko ang karangalan nilang maranasan ang walang-hanggang kalinga ng mga frontliner na nagdadala ng samu’tsaring serbisyo para sa bansa. Isang linya’y “Doktor, nurse, pulis, at sundalo / Nagtulong-tulong sa hamong ito / Kami’y humahanga sa kabayanihan niyo / Ang sarap maging isang Pilipino (sic).” Gayundin ang pangungulila naman sa mga mahal sa buhay na piniling maglingkod imbis na manatili sa tahanan, “Tila kahapon, tayo’y sama-sama / Nag-aasaran na parang walang problema / Isang ala-alang nais balikan / Ating itutuloy ang naudlot na kuwentuhan.”
“Para po sa mga magigiting nating frontliner, saludo po kami sainyong katapangan. Sama-sama po tayo sa paglaban sa Covid19 pandemic na ito. Walang maiiwan, walang iwanan,” pambungadna mensahe ni Dara Mae Tuazon, founder at president ng Bangketa Eskuwela Foundation Inc., mag-aaral ng UE.
Umani na ito ng 4,389 views sa YouTube at patuloy na mapapanood at mapakikinggan sa iba’t ibang streaming applications.