Campus

LA SALLE GREENHILLS COED NA

/ 3 April 2021

MATAPOS ang 62 taon, bubuksan na ng La Salle Greenhills ang paaralan para sa mga babaeng estudyante simula School year 2021-2022.

Eksklusibo lamang sa mga lalaking estudyante ang LSGH nang buksan ito noong 1959. Subalit ngayon, handang-handa na sila para maging coed private institution, gaya ng 15  pang La Sallian schools sa Filipinas.

Ayon kay LSGH Principal Br. Alexander Ervin Diaz, ito na ang tamang oras para mas palawakin ang pagkatutong tatak La Salle. Nais nilang higit na paunlarin ang edukasyon at maabot ito ng lahat ng kasarian saan man sa bansa.

“The school has since moved to be inclusive in accommodating deaf students and even adult learners and students with special needs, the introduction of a coed system in the basic education would be a step toward expanding our inclusivity,” mensahe ni Diaz sa publiko.

“Co-curricular activities will be more varied, classroom learning behaviors will be enhanced, a new school culture will emerge with an improved mixed-gender perspective, and an overall strengthening to the already solid foundation that is uniquely LSGH,” dagdag pa niya.

Sinimulan na nila noong nakaraang akademikong taon ang pagtanggap ng mga babaeng estudyante sa senior high school. Naging matagumpay ang transisyon kaya ngayo’y handa nang maging coed sa lahat ng antas.

“We saw a smooth integration of our first batch of Grade 11 female students at present and we wish to assure you all of the school’s plans to pursue the groundwork for buildings and facilities, policies for safe spaces, and programs fit for a coed learning environment,” sabi ni Diaz.