KILALANIN ANG 28 SUMMA NG UP DILIMAN
PINANGUNAHAN ng 28 Summa Cum Laude ang birtuwal na seremonya ng ika-109 Pangkalahatang Pagtatapos noong Hulyo 26, 2020 simula alas-siyete ng gabi sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman campus.
Ang seremonya, na may temang “Maglingkod, Magmalasakit, Manindigan,” ay napanood ng live sa Facebook, Youtube, at Website ng UP. Ito ang unang pagkakataong magsasagawa ng online na pagtatapos ang UP Diliman sapagkat hindi pa pinapayagan ang anomang porma ng pagtitipon sa ilalim ng General Community Quarantine. Si Steffi Eunicesay-ao Ramos, Summa Cum Laude ng BA Broadcast Communication ang paghahatid ng mensahe para sa 3,789 na mga iskolar ng bayan, habang ang dating tsanselor na si Dr. Michael Tan naman ang panauhing pandangal.
Anim na summa cum laude ang mula sa College of Engineering, 5 sa College of Business Administration, 4 sa School of Economics, 2 sa College of Arts and Letters, College of Music, College of Social Sciences and Philosophy, at National Institute of Molecular Biology and Biotechnology, at 1 sa College of Architechture, College of Fine Arts, College of Human Kinetics, College of Mass Communication, at College of Science. Sila’y ang mga sumusunod:
- Joshua Raphael N. Ambrosio, BS Economics (BS Econ), 1.049
- Martin Alexander F. Cruz, BS Business Administration and Accountancy (BSBAA,) 1.086
- Jose Antonio C. Buencamino, Bachelor of Music (Composition), 1.098
- John Lawrence E. Mallanao, BSBAA, 1.100
- Gabriela Angela Nicole T. Durian, BA European Languages (Italian), 1.103
- Nina Patricia G. Morales, Bachelor of Fine Arts (Industrial Design), 1.107
- Simon Alec J. Askin, BSBAA, 1.139
- Aaron Jordan R. Sta. Maria, BA European Languages (Spanish), 1.141
- Paolo Miguel T. Tablante, Bachelor of Music (Piano), 1.141
- James Allen E. Dy, BSBAA, 1.145
- Ryan Kendrick U. Lim, BS Molecular Biology and Biotechnology (BSMBB), 1.145
- Kate Chrisgracen Y. Au, BS Architecture, 1.147
- Beatrice Hope G. Reyes, BS Biology, 1.156
- Chloe B. Borromeo, BSMBB, 1.171
- Kouji T. Tomas, BSElectrical Engineering, 1.172
- Jo Adrian P. Del Mundo, BS Industrial Engineering, 1.173
- William T. Lara, Bachelor of Sports Science, 1.178
- Nicole Charis M. Pontanilla, BA Linguistics, 1.178
- Michael T. Castro, BS Chemical Engineering, 1.180
- Seth Kelvin E. Escobedo, BS Electronics and Communications Engineering (BSECE), 1.183.
- Janella Meara L. Chan, BS Econ, 1.185
- Lorenz D.L. Nalica, BSBAA, 1.185
- Enrique Lorenzo L. Martinez, BS Psychology, 1.188
- Steffi Eunice S. Ramos, BA Broadcast Communication, 1.192
- Kirsten Rae C. Hipolito, BSECE, 1.193
- Stephaenie Natalie C. Gan, BS Business Economics (BSBE), 1.197
- Corinne Mariel T. Wong, BSBE, 1.197
- Adrian L. Patricio, BS Computer Engineering, 1.199
Batay naman sa ulat ng UPDate, noong 22 Hulyo, 302 ang magtatapos na magna cum laude at 683 naman ang cum laude.