JAAF NAGBIGAY NG ISKOLARSYIP SA MGA TOP 1 NG BAGO CITY
NAGBIGAY ang J. Amado Araneta Foundation, ang social responsibility arm ng Araneta Group, ng apat na taong iskolarsyip para sa mga Top 1 ng mga Pampublikong Senior High School sa Lungsod ng Bago, Negros Occidental.
Ang pisikal na memorandum of understanding ay naganap noong 13 Hulyo, kasama sina Punong Lungsod Nicholas Yulo, Schools Division Superintendent ng Kagawaran ng Edukasyon – Bago Dr. Allan Yap, at mga kinatawan ng JAAF Fean Trebol at Richard Minerva. Lakip sa iskolarsyip ang allowance kada semestre at mga gawaing pampagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral.
Binibigyang-halaga ng JAAF ang pagbibigay ng iskolarsyip sa likod ng pandemya. “The J. Amado Araneta Foundation Scholarship Program for the valedictorians (sic) of Bago City is a manifest of my late father’s legacy living on. This is where he was born and have established himself as a businessman. The Araneta Group continuously flourishes because of his beginnings here. Investing in Bago’s youth is investing in its future, and of so many possibilities this small city in Negros can bring,” ani Gng. Judy Araneta-Roxas, Pangulo ng JAAF.