Campus

‘HELP A HOUSEHOLD PROJECT’ TUGON NG GRUPO NG KABATAAN NGAYONG COVID19 PANDEMIC

/ 23 September 2020

SANGA-SANGA na ang suliraning kinahaharap ng bawat tahanang Filipino simula nang ipatupad ang kwarentena noong Marso, at sa paparating na Oktubre’y madaragdagan pa ito – pantustos  sa panibagong akademikong taon ng mga estudyanteng haharap sa distance, online, modular learning ng Department of Education.

Bunsod nito’y nagsama-sama ang ilang mga mag-aaral at kabataan para tulungan ang isang urban poor community sa Park 7, Lungsod Quezon nang sa gayo’y bukod sa pinansiyal na matulungan ang mga pamilya ay hindi maiwan ang mga bata sa araling ihahatid ng mga pampublikong paaralan.

Tinawag na ‘Help A Household Project’,  layon ng donation drive na maabutan ng tulong ang mas maraming pamilya’t mag-aaral at makapagbigay ng mga kinakailangang gamit upang makakain sa araw-araw habang dumadalo sa eskuwela ang mga kabataan.

“As a consequence of the pandemic and the six-month long quarantine, millions of vulnerable and poor Filipino households are now struggling to make ends meet to the extent of compromising basic needs with urgent concerns such as healthcare and online education for their children. Because of this great social impact to Filipino households, we cannot forget our communal duty to share our blessings especially to those who are most in need,” pahayag ng grupo sa Facebook Page.

Isa si Carlo Pierre Dayao sa mga nangangasiwa ng mga donasyon. Bilang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas ay batid niya ang hirap na posibleng pagdaraanan ng mga bata ngayong distance learning kung kaya iniaalay niya ang kanyang oras para sa ikatatagumpay ng inisyatibang nabanggit.

Sa sinumang may mabuting pusong nais magbigay ng donasyon, ang grupo nina Dayao ay tumatanggap pa hanggang Oktubre 10.

Anumang salapi ay maaaring ideposito sa mga sumusunod:

Metrobank

Francesca Angeline Carranza Account No. 2293229246349

BPI

Francesca Angeline Carranza Account No. 1899012829

Gcash

Carlo Piere Dayao 0915 269 7753

Para sa mga nais magbigay ng in-kind donations gaya ng secondhand gadgets, broadband, school supplies, load card para sa online class, face mask, alcohol, pagkain, at iba pa, makipag-ugnayan lamang sa facebook.com/HelpAHousehold o magpadala ng mensahe sa [email protected].