FOOD KIOSKS SA UP DILIMAN GINIBA NA
TULUYAN nang giniba ng administrasyon ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang hilera ng mga food kiosk sa tapat ng Main Library Gonzales Hall, ilang buwan matapos nilang ianunsiyo ang proyektong pagtatayo ng public restroom sa naturang espasyo ng pamantasan.
Ayon kay Samahang Manininda sa UP Campus President Narry Hernandez, inabisuhan na sila ng administrasyon na hindi na iaatras pa ang nasabing plano kaya ang demolisyon ay sinimulan na noong gabi ng Oktubre 19.
Upang makatulong sa mga nagtitinda ay sinang-ayunan naman ng admin ang proposal ng grupo ni Hernandez na pansamantalang gamitin ang espasyo sa Kalye Fernandez, tabi ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya.
Sa oras na matapos ito’y agad din namang ibabalik ang mga tindahan ng kape, merienda, tanghalian, at iba pang pagkaing kinagigiliwan ng mga iskolar ng bayan sa tuwing mag-aaral sa pinakamalaking aklatan sa kampus.
Pangako ito ng administrasyon sa isang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng SMUPC, University Student Council, at ng Office of the Student Regent.
Sa kabila nito’y maraming mga nagpahatid ng agam-agam. Sa isang tweet ni USC Chairperson Froilan Cariaga, “No more tuna pasta, iced coffee or Oreo shake for the students to return to. No more store space for the maninindas to return to. Akala ko ba #WalangIwananUP?”
Sabi naman ni @3rdyromo, “Sana mas maayos na stalls kapalit nito at hindi gentrified na mga espasyo.”
Ganoon din ang sentimyento ni @KneekoNeckhurts. Dasal niya’y maging mabuti ang proyekto para sa mga manininda sa oras na matapos ito. “I hope this is to make room for improvement. Build better, nicer stalls.