Campus

F2F GRADUATION SA UNIVERSITY OF SAINT LOUIS TUGUEGARAO

/ 8 February 2022

ISINAGAWA ng University of Saint Louis Tuguegarao ang kauna-unahang in-person graduation sa probinsya ng Cagayan sa gitna ng pandemya.

Higit sa 350 estudyante ang nakapagtapos sa mga kursong engineering, education, at management para sa Academic Year 2020-2021.

Kabilang din sa mga nagtapos ang mga kumuha ng master’s degree.

Hindi naman nagbigay ng talumpati si Fr. Renillo Sta. Ana, presidente ng USLT, na naggawad ng degree sa mga graduate.

Samantala, nasa 404 ang bilang ng kaso ng Covid19 sa lungsod, na kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 3.

Magmula nang pumutok ang pandemya noong 2020 ay nakapagtala ito ng kabuuang 18,644 kaso ng Covid19.