ENROLLMENT PARA SA SY 2023-2024 UMARANGKADA NA
SINIMULAN na kahapon, Agosto 7, ang enrollment para sa School Year 2023-2024 sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan.
SINIMULAN na kahapon, Agosto 7, ang enrollment para sa School Year 2023-2024 sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan.
Ayon kay Department of Education spokesperson Undersecretary Michael Poa, nasa 28.8 milyong mga mag-aaral mula sa public at private schools ang inaasahang mag-e-enroll para sa darating na school year.
Umabot sa 28.4 milyong mag-aaral ang nag-enroll sa nakaraang school year.
“This is an assumption, not a target. Ang growth rate kasi natin is around 1.7 percent per year, so yan ‘yung additional na nakukuha natin na enrollees. So, if we look at that, at least our planning service is saying around 28.8 million ‘yung inaasahang mag-e-enroll this year,” ani Poa.
“So, titingnan natin during the enrollment period kung talagang maaabot natin ‘yung 28.8 million enrollees,” dagdag pa niya.
Ang enrollment period para sa darating na school year ay mula Agosto 7 hanggang 26, 2023.
Ayon kay Poa, naglabas ng isang department order ang kagawaran para i-adopt ang enrollment guidelines noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng nasabing guidelines, maaring i-enroll ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng in-person, online, o sa pamamagitan ng drop boxes na makikita sa mga barangal hall o eskwelahan.
“Kung ano po ‘yung ginawa natin last year ipagpapatuloy lang po natin ‘yan,” aniya.